iyak ng aking pwet……

dati, iba may ari sayo. sa likod lang kita, at di kita pansin. kasi, pareho ka lang naman nung akin, eh.  nung una nga, ayoko sa may lugar nyo. kasi, yung dun sa may amin, mas masaya, at nandun ang mga kaibigan ko. pero sa di inaasahang pagkakataon, pinalipat ako sa lugar nyo, kasi daw medyo magaling ako, at kailangan, sa lugar ako ng mga magagaling mapunta. kaya ako napunta sa inyo, at nakilala kita.

isang gabi, wala yung amo mo. naisip ko, pwede naman siguro kitang angkinin, kahit isang gabi lang. kasi, sawa na ko dun sa kapatid mong boring. kaya, tinikman kita. at katulad ng inaasahan ko, nag-enjoy ako. kasi, mas makiri at malandi ka kesa sa kapatid mo. mas malikot, maikot at malambot. yung harap mo pa, nandun yung gustong- gusto kong laruin. ang saya, di ba?

naaliw ako sayo. lagi na lang ikaw ang una kong pinupuntahan. di ko na nga pansin yung kapatid mo eh. tinalikuran ko na siya. ikaw na lang at ang nasa harap mo ang inatupag ko. nagalit na nga sakin yung amo mo eh. sabi niya, kanya ka lang daw. pero anong magagawa nya? bago pa siya dumating, nasa akin ka na. kaya, yung kawawang amo mong mala-tsokolate ang mata, lumipat na lang sa iba.

at dun nagsimula ang ating affair. pag di ikaw ang kasama ko sa walong oras na pagpapakalunod ko sa pamamasyal sa buong mundo gamit ang bahay-gagamba, paglalaro at paminsan- minsang telebabad, di na ako mapakali. parang iba ang buhay ko pag wala ka sa piling ko.

bakit hindi? eh masaya sa paligid mo.napakalambot mo pa. napakatatag mo. kahit anong bigat, kaya mong pasanin. pag pagod na ko at inaantok, ikaw lagi ang nasasandalan ko.

ikaw ang naging saksi sa maraming bagay na nangyari sa buhay ko, tulad ng:
pag-aaway namin ng kasama ko sa bahay, pag-iyak ko dahil sa kanya,  pag aayos at lambingan namin.

at siyempre, nasaksihan mo ang  pa ulit ulit na pagpapalit namin ng kapitan,  hinanakit at chismis tungkol sa mga ipis sa barangay natin, tawanan na walang kwenta, lungkot nung malaman namin na di na kami kagawad sa lugar natin dahil taga walis na lang kami, galit dahil sa pambabalahura sa amin, galit dahil sa tagal ng mga pinangako sa amin, pag ka dismaya dahil sa kabiguan ng mga pangarap namin, saya nung matanggap namin yung sampung papel na pwedeng ibili ng kung anu-ano, at itong pinaka huli, at pinaka malungkot; utos  na di na kita pwedeng makasama.

galit ako. hindi lang dahil iiwanan na kita at iba na ang mag ma may ari sayo. galit ako dahil halos lahat na yata ay gusto nilang alisin sa akin at sa mga kaibigan ko. aping- api na ang pakiramdam ko.

galit ako, dahil sa dinami- dami ng pwedeng pagdiskitahan, ikaw pa at ang mga kapatid mo ang napag tripan nila.  ganito ba talaga ang uso ngayon?

di na planet of the apes. PLANET OF THE IPIS NA!!!

ngayon, di ko na alam ang gagawin ko. di ko alam kung kaya ko pang maghanap ng katulad mo. siguro, pansamantala, dun muna ako sa pinsan mo. malulungkot ako. sobrang ma mi miss kita. tsaka yung harapan mo na hilig kong laruin. at ma mi miss ko rin yung mga kapatid mo at ang mga amo nila. alam ko na magiging malungkot na ang buhay natin magmula sa Lunes.

magiging palaboy na ako sampu ng aking mga kaibigan. palaboy na nagwawalis ng lansangan.

nakapiling kita ng higit anim na buwan. pano na yung mga kaibigan ko na kapiling ang mga kapatid mo ng halos dalawang taon? ano kaya ang nararamdaman nila?

ilang oras na lang, di na kita makakapiling.

kaya, paalam, aking upuan. paalam, station #661.

isa lang ang hiling ko sa mga diwata para sayo.

nawa’y mabango ang utot ng sunod na uupo sayo.

gnmsc badhitwoman

7 Responses to “iyak ng aking pwet……”

  1. cHriS Says:

    di ko din akalaing mawalay ang aking puwitan…

    sa nakasanayang malambot at masarap na upuan…

    na tila di sapat na kinuha ang ating kaligayahan…

    sinira ang dangal at pagkataoy niyurakan…

    na wari mo’y wala tayong ginawang kabutihan…

  2. Maj Says:

    mahirap tlg yan… haayy.. maglilipat ka pla ng files mo sa ibang workstation. pro at least malalayo na kayo sa mga insekto at papawi na din ang amoy ng ipis. mag iwan kayo ng MOTH BALLS pra unti unti clang mamatay!

  3. Paolo Says:

    Siguro panahon na para ibang tao naman ang ipisin. At nakakalungkot man, kasama pren ako sa mga taong yun. Mabuti na ang upuang walang kutson, at least walang surot.

  4. Garynelle Maxin Says:

    naiiyak na naman ako.
    ngayon ko lang naramdamang aping-api ako.
    andito ako, malayo sa kaipisan.
    pero malungkot. kasama ang mga dayuhan.
    na ang pagtingin sa akin ay,

    uwak, na walang pakpak….

  5. Jing Says:

    pana-panahon sabi nila. bilog ang mundo, sabi nila. me umaga din, sabi nila. makikita rin ang ilaw sa dulo ng daan sabi nila. ang sabi ko, kelan kaya ulit tayo hahalakhak na parang lasing? yung magkuwentuhan na parang walang katabi? yung sumigaw na parang walang nakikinig? yung magsama-sama nang walang nagbabantay sa bawat galaw? sabi nila malapit na daw. konting hintay pa…

  6. mac Says:

    gusto ko sanang matuwa sa munting salaysay na ito pero wala akong magawa. galit at galit pa ren ang aking nadarama. ang saya ay lumipas pero mananatili ito sa ating puso na isang ala-ala. at ang ala-alang ito, hindi na nila kaya pang makuha. ika nga eh…
    “MAMATAY SILA SA INGGIT”

  7. Maj Says:

    eh paking syet na yan… ndi araw araw pasko…

Leave a Reply