From Bitter…. to Better
; Naaalala ko pa kung paano nabuo ang mentors, "Hinugot" nila ung mga TOP performers sa mga team, based on Tech skills, Comms skills and Stats. Proud na proud nga kami nila kuya at rickieee kasi feeling namin we were "THE CHOSEN ONE", Si kuya was chosen kasi Tekki, ako naman napili kasi lagi ko katabi si kuya so parang tekki na rin, tapos si rickie naman napili kasi BADING hhehehe ma rapport,,…para kaming na promote, pinagsama-sama kaming 10 mga napili sa isang Team, At tinawag kaming "MENTORS".
Unang pinagawa sa amin, Coaching Trainning, kung paano mag coach (effective coaching). then they explained kung ano ba talaga ang gagawin namin. We were informed that offline daw kami, as in 5x a week. that time they patterned the process from the QSP’s of SBC.( syempre QSP dati sa SBC TL namin eh). Binigyan kami ng Personal log-in sa CPATS, we monitored calls and credit yun sa Stats nila..
Panalo di ba?, aside from the 5x offline(imagine the productivity of these 10 agents!), may CPATS login ka, and polish your coaching skills. … were WELL RESPECTED sa buong FLOOR that time! Damn! Lagi kaming may hawak na "WIRE JACK"(y-jack), malayo palang kami nangangatog na yung ibang agent kasi alam nila makikinig kami sa call nila. ung iba pag nakita kami biglang mag b-break! hahaha… bully kami noon!
Results?… Cluster(wildcats) Sats went up!, AHT went Down. it was a success! We were recognized and commended by our OM. They decided to impliment it sa entire floor, We were greatly motivated that time, sabi kasi nila stepping stone na daw to for promotions. yahuuu! Nagkaroon ng opening for TLT(Team Leader Trainee), nakuha si julius, nagkaroon ng momentum…. sumunod si rickie!!! tapos si rain, tapos si Art, tapos si Pipoy.
Panalo! Ang bango ng panglan ng mga mentors! We proved that were bound to become Leaders,trainiing ground kung baga ang pagiging mentor. Shet! sino kaya ang susunod?! syempre meron pa! si Biboy, crunchy at ron, naging TL after MDP then si Toggle at Richkid after a couple of months. Then ofcourse di lahat gustong maging Tl. meron din naging QSP’s sa katauhan ni Voluptuous MAMAMEL at QSP Goddess Margarette after a few months sumunod si Mystery man at Popo the clown(na ayaw mag palagay ng picture sa dslmentors! hmp!). Awesome di ba?
Dito natin makikita kung ano ang nagiging resulta ng magandang pamamalakad ng isang pinuno. Hinubog at inalaagaan ang bawat miyembro para marating nila ang kani-kanilang tunguhin. Nagdudulot sila ng inspirasyon sa bawat individual. marunong magpaliwanag kung meron mang kaguluhan. Laging inaalala ang nadarama ng bawat isa. Ngayon namin namimiss ang dati naming mga pinuno. Tinuruan nila kami kung paano tumayo sa aming sariling mga paa, at harapin ang mga situwasyon na susubok sa aming katatagan.
Biglang nagbago ang lahat ng umeksena itong "ipis", sumobra yata ang pagkaBiBBO nitong si ungas, dahil walang pakundangang pinagtatanggal ang tao sa kanilang mga "NICHE".
Di ko alam kung itoy dahil sa immature pa sya o talagang isang malaking pagkakamali na nandoon sya sa posisyon na yun. Well, nung una, naisip ko, baka naman may dahilan tong si ipis kung bakit sya nag ppower trip. Kinausap ko yung dati kong pinuno, sinabi ko sa kanya lahat ng sama ng loob ko. Sabi nya sa akin.. "Sometimes you need to hurt someone to make your Point"…ahhh…ano daw?.. Sige lets give her a chance ,since bago pa nga lang sya…Naghintay ako kung anong POINT ung gusto nyang palabasin…WALA!!!!!!… naisip ko baka naman im not thinking like a Tl kaya di ko makita gusto nyang palabasin…..
Bumalik ako kay pinuno at humingi ulit ng payo…. nagiba ihip ng hangin…maski si pinuno napipikon na rin sa pinag- gagagawa nitong si ipis…so i therefore conclude na di tayo nag iisa…nagtanong-tanong din ako sa ibang TEAM.. parepareho din pala sila ng napapansin…ang masama walang maka palag, baket? Hindi lalakas ang loob mo kung wala kang pader na sinasandalan. Tama? paksyet!
Marami na tayong pinagdaanan sa mapangaping rehimen ni "ipis", marami ang nagbago, binago at babaguhin. Palagay ko isa lang ang dapat nating tandaan. Ang pagiging Mentor ay isang karanasan na dapat nating ipagmalaki, marami tayong napatunayan, natutunan at alam ko na hindi yon matatapos nang ganun ganun nalang. meron pa tayong isang kailangang patunayan…… na NAGKAMALI SILA….nagkamali sila ng baliwalain nila tayo……siguro nga nakalimutan nilang BILOG ang Mundo.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko rin maging pinuno, dahil once na naging pinuno ako sisiguraduhin kong hindi mararanasan ng mga miyembro ko ang naranasan ko sa ilalim ni IPESH. at hinding -hindi ko makakalimutan na ipagmalaki ko sa kanila na ako’y isa sa mga dating MENTOR….. pramis!.
-MANG C O S M E
May 19th, 2006 at 4:09 am
sayang at paubos na ang panahon ko… di na ko makakapaghintay pa.
ang daming chances ang na give up ko dahil sa idilohiya na magiging pinuno rin ako sa barangay na to.
pero mukhang hindi na iikot ang gulong para sa akin.
ngunit tama ka, kakarampot man na panahon ang nailagi ko bilang isang mentor,
Mentor pa rin ako. And i am goddamned proud!!!!
May 20th, 2006 at 11:51 am
BILOG ANG MUNDO, COSME. BILOG ANG MUNDO!!!! Dadating din ang tamang panahon. Ika nga ni Mark Lapid ‘Sa Pilipinas, puso lang ang may saging!’ Wakekek!!!
May 30th, 2006 at 2:27 pm
i got a big cock —— roach… :))
August 2nd, 2006 at 7:32 am
Makikisingit lang po…
Try niyo sa Commonwealth.
November 5th, 2008 at 2:39 am
Thank you for your website
I made on photoshop backgrounds for myspace and youtube and ect..
my backgrounds: http://tinyurl.com/5ajonc
all the best and thank you again!